kelan ba dapat isuko ang laban?
sa umpisa pa lang na ika'y talunan
subalit kapalit ay 'yong kaligayahan?
o sa bandang huli na ika'y luhaan?
kelan ba tama ang mali?
ang maging masaya ka at maghintay
sa di mo alam kung hanggang kailan?
o ang lumayo ka at habambuhay na masaktan?
kelan ba ang pag-ibig ay dapat ipaglaban?
kung kelan masaya na sya sa piling ng iba?
at maghintay ka pa rin sa pag-ibig nya?
o ang palayain na ang puso mo
na isang dekada ng ikinulong mo!