Monday, May 16, 2011

para sa 'Yo lang..........

hinagpis at pasakit
kaligayaha'y ipinagkait
karanasang mapapait
kelan masisilayan ang langit?

kay tagal Mong naghintay
na Ika'y lapitan
kailangan pang masaktan
upang Ika'y maging takbuhan.


pagmamahal mong dakila
bago mo pa ako nilikha
ni minsa'y di ka sumuko
sa landas kong liku-liko.


nagpapakumbabang sa Iyo'y lumalapit
nais maramdaman ang yakap Mong mahigpit
sa 'Yong piling di na nanaisin pang mawalay
papuri't pagsamba sa 'Yo lang iaalay.......


may 15, 2011
11:20 Agrate Conturbia con Marco



Saturday, April 30, 2011

ang hirap....

ang hirap umpisahan
pagkat di nais wakasan
ang hirap iwasan
pagkat di ibig lumisan.

ang hirap kalimutan
pagkat higit isang dekadang nanirahan
sa puso at isipan
pano sisimulan?

ang hirap tuldukan
ng walang hanggan
ang hirap pigilin
ng sutil na damdamin.

ang hirap intindihin
bakit biglaan kung dedmahin
ang sakit tanggapin...
bakit ang dali daling ako'y tikisin.


Monday, April 19, 2010

di pa man...

di pa man nagkakasama... may dedmahan na
di pa man nagkakaayos... magulo na
di pa man malinaw... malabo na
di pa man sapat... kulang na.

                                   di pa man nagkakasundo... magkaaway na
di pa man mag wishart... may LQ na (nyayayaya)
di pa man nakatali... nasasakal na
di pa man nag uumpisa... may ending na.

di pa man natitikman (ang pagmamahal)... nagsawa na
di pa man sinusubukan... sumuko na
di pa man napapatunayan... binalewala na
di pa man... eh di na pala! (grrrrrrr!!!)



Monday, April 12, 2010

uR cHoiCe

truth or lies
tears you cry
or a smile on your face
your choice to make.

security or worries
serenity or misery
don't you wanna be happy?
your choice to make.

used or misused
respect or abuse
it's not yet too late
your choice to make.

chase or wait
plays hard-to-get
or as easy as a pie
your choice to make.

love or hate
conceited mate
walkin through hell's gate
your choice to make...


Sunday, 29 April 2007

Thursday, April 8, 2010

PANO????

pano uumpisahan ang bagay na ayaw magkarooon ng katapusan?
pano  kalilimutan ang mga ala-alang sa puso at isipan na nanirahan?
pano  iiwasan ang isang bagay na di  maiwan-iwan?
at pano  tutuldukan ang pag-ibig na walang hanggan?


pano  lalayo kung mga paa'y nakapako?
sa mga sandaling  nagpakiramdaman at nagtago
pano  ngingiti kung puso'y nagdurugo?
pano  makakalaya kung di  matanggap ang  pagkabigo?


pano  magiging masaya kung puso'y  ikinulong  na
pano  magkakaroon ng katahimikan kung nagpapaalipin ka
sa mga sandaling minsang nakasama  sya

mga sandaling sa kanya'y.... balewala lang pala....

Thursday, April 1, 2010

KELAN NGA BA???

kelan ba dapat isuko ang laban?
sa umpisa pa lang na ika'y talunan
subalit kapalit ay 'yong kaligayahan?
o sa bandang huli na ika'y luhaan?

kelan ba tama ang mali?
ang maging masaya ka at maghintay
sa di mo alam kung hanggang kailan?
o ang lumayo ka at habambuhay na masaktan?

kelan ba ang pag-ibig ay dapat ipaglaban?
kung kelan masaya na sya sa piling ng iba?
at maghintay ka pa rin sa pag-ibig nya?
o ang palayain na ang puso mo
na isang dekada ng ikinulong mo!


Monday, March 22, 2010

kung pwde lang...

kung pwede lang itulak ang mga kamay ng orasan
upang mapabilis ang mga araw na nagdaraan
kung pwede lang turuan ang isipan
upang ika'y tuluyang kalimutan.

kung pwede lang diktahan ang tibok ng puso
at kung pwede lang utusan ang nilalaman ng isipan
upang ala-ala mo'y maibaon na sa limot
puro sakit lang sa kalooban ang dulot.

kung pwede lang mag matapang-tapangan
na sa 'yo'y lumayo at tuluyan kang iwan
kung pwde lang magkunwaring ni minsan'y di ka minahal
upang di mabalewla ng puso mong bakal...


Tuesday, March 9, 2010

NaKaRaaN

nakaraan ay nakaraan
wag ng subukang balikan.
lumipas na mga sandali
kailan man di na mababawi.

nakaraan ay nakaraan
wag ng piliting balikan
pintig ng puso ko'y di na sa 'yo
iba na nag mamay-ari sa puso ko.

nakaraan ay nakaraan
wag ng hintaying magka balikan
pagkat may iba na kong minamahal
pag-ibig ko'y para sa kanya lamang.


Sunday, 13 May 2007
 

Monday, March 8, 2010

h0pE n0t....

hope not my eyes betray me
when i see you smile at me.
hope not my voice betrays me
when you call and tell me you missed me.
hope not my words betray me
as much as my silence could be.

hope not i falter
when you come close to me.
hope not i stammer
when i look at you and start to speak.
so long i haven't heard of you
hope not my true feelings betray me.

Sunday, 22 April 2007
 
 

Saturday, March 6, 2010

mHa fReNd MakDo...

pano ko sisimulan
ang hiling ng isang kaibigan?
di ko alam kung paano
pagkat pagnanasa sa kanya'y wala ako! (nyayayaya)

alam naman nyang di ganun kadali yun
kelangan ang matinding pagnanasa at emosyon! (hahahaha)
nagbibingi-bingihan ba sya or di lang nya gets yun!
sinubukan kong minsan... di talaga gumana ang utak ko! (bwehehehe)

magbabasa lang daw sya ng profile ko pag nagpost na ko
ng tulang hinihiling nyang gawin ko...
"eh wala nga akong pagnanasa sayo..kulit mo" (wahehehehe)
hanggang heto't kumilos ang mga daliri ko, keyboard naging alipin ko.

gagawa ako ng tula pero promise mo...
treat mo ko sa JoLLiBee... sa Makdonald ayoko! (bwehehehehe)
wag ka lang magtatago at biglang tatawag kahit naka hide ako! (hahahaha)
naala-ala mo lang ako pag tinulugan ka na ng mga kinakarir mo! ( che!)

masarap sana syang kalaban sa trivia
pero pag lumitaw na mga bebot, sa trivia di na sya sumasagot!
kahit ilang beses mo sya "buzz", sorry ka, pangangarir muna!
yan ang kaibigan ko.... bebot muna bago trivia bot! (bwahahahaha)

sabay sa pagsapit ng hating-gabi, nakingiting kanyang YM ID
maglalaro ng trivia saglit at biglang matatahimik...
aba! malay ko ba kung anong kanyang gimik!
sinasamantala ang gabing matahimik! (bwehehehehe)

oh ayan na ang tula ko para sayo
sana magustuhan mo... *winks*
alam mo na ang kapalit nyan
kahit isa lang nun, hihintayin ko! (hihihihi)

Friday, 01 June 2007


Thursday, March 4, 2010

Life's Journey...

every day is a new beginning
of a new life worth spending
holding you close to my heart
we will never be apart.

seeing your sweetest smile ever
sends gooseflesh everywhere
when you start to speak
my heart beats at its peak.

beneath the pale moonlight
you're holding me tight
bodies close... souls entwined
with you sanctuary i find.

forever i will be grateful
for this special gift so wonderful
i can't even ask for more
thanks for giving meaning to my life.

on this day on, together we'll ride
in this journey of life.
hold my hand don't leave my side
are you ready to take the first ride?

Tuesday, 20 March 2007



 

Tuesday, March 2, 2010

bakit ngayon lang?

bakit mo nagawang maglihim
sa akin pala noo'y may pagtingin
nagawa mong itago tunay mong damdamin
buong akala ko kaibigan lang turing mo sa akin.

di mo man batid sayo noo'y may lihim na pagtingin din
subalit sayo'y naghintay, nais sa labi mo marinig
inaasam-asam bawat araw na iyong pakakawalan
matamis na "i love you" na aking inaabangan.

muling nag krus ang ating daan
sa pagkakataong di inaasahan
at muling naungkat ang mga nakaraan
tahimik na puso ko ngayo'y naguguluhan.


sa pagkakataong ito iyo ng inamin
na higit pa sa kaibigan ang tingin mo sa akin.
bakit ngayon ka lang nagtapat?
puso ko'y naipangako na sa iba
sumumpang sa kanya'y magiging tapat...

Sunday, 06 May 2007


 

Monday, March 1, 2010

TiGrEnG mApAgMaHaL...

Kasintapang man ako ng tigre...
At madalas mang sayo'y magrebelde....
Sayo'y tapat na nagmamahal...
Sana'y iyong mapaniwalaan.

"Defensive" man ako minsan
Sa tuwing tayo'y may pinagtatalunan...
Sayo'y naglalambing lang...
Sumpa ng pag-ibig mo'y...nais ko lang mapakinggan.


Ilang ulit ako'y sayo'y nagkasala...
Katapatan ng pag-ibig ko sayo ang nakataya...
Hapdi at kirot sa puso mo'y naramdaman...
Subalit ni minsan....di mo nagawang ako'y tuluyang talikuran.


Di mo man maintindihan kung pano sayo'y nagmamahal...
Paraan ng paglalambing ko kahit kelan di na mauunawaan...
Irog ko sa aki'y magtiwala...
Walang iba sa puso ko...kung hindi IKAW LAMANG.


Di ko na pahihintulutang ika'y mawala sa aking buhay...
Pangungulila sayo'ng pagsinta minsan ng naranasan...
Daig pang sibat sa puso ko'y itinarak...
Walang araw na di ako naiyak..


Mahal ko, pakinggan mo ang sigaw ng puso ko...
Alinlangan sayo'ng isipa'y nawa'y tuluyang mapawi...
Anudin nawa ng ilog...matangay nawa ng buhawi...
Pag-ibig ko sayo ang sya nawang maghari.


Ako'y maghihintay na ika'y masilayan...
Yakap at halik mo'y ibig ko ng maramdaman...
Sa piling ko sinta...pagdududa mo'y mabubura...
Maghihintay ako mahal ko...kahit gano katagal.


Pinilit kong tapusin ito ng isang upuan...
Pag-ibig ko sayo'y tunay na naguumapaw...
Lahat ng ayaw mo sa isang kasintahan...
Nakita mo sa akin...at ako'y higit mo pang minahal!!!


Thursday, 05 April 2007

7 - 1 - 7

mamaya man o bukas
larawan mo may kumupas
pag puti man ng uwak
pag itim man ng tagak
maghihintay pa rin
nananabik sa yong mga yakap.

dito ako... diyan ka
alam ko darating ang araw
na makakapiling ka..
ang mahalaga ngayo'y nariyan ka
walang kapantay dulot mong ligaya!

limang taong di ka nasilayan
subalit sa puso ko kailanman di ka nakalimutan
mga sandaling nakasama ka lubos na pinakaiingatan
san man ako magpunta di ka nawawaglit sa 'king ala-ala.

Thursday, 12 April 2007
 

Friday, February 5, 2010

AdiK sA 'y0....

sa umaga ikaw ang unang nakikita
bago matulog sa gabi ikaw ang huling kasama
pagka galing sa trabaho ikaw ang unang binibisita
kahit sa pagtulog ko'y napapanaginipan ka!!!

ikaw ang naging sandalan sa loob ng 2 bwan
naging takbuhan pag ako'y nagugulumihanan
ngiti sa mga labi ko ang dulot mo
ayoko yatang mawalay sa 'yo...

ng dahil sa 'yo nakalimot ako
atensyon ko ay naagaw mo
ang isip ko ay nasa 'yo
sa piling mo ay masaya ako!!!

tinatawanan nila ako
adik daw ako sa 'yo
cge na nga adik na ako
i don't care... basta farm ko kakarir-in ko! (hehehehe)


Saturday, January 30, 2010

PaMaMaaLam...

minsang nangarap...pag-ibig mo'y wagas...
naniwala sa sumpang kailan man di magwawakas...
saksi mga bituin sa yong mga binibigkas...
na magkakasama rin pagdating ng bukas.

pagsinta mong inakala kong tapat...
bugso ng pag-ibig mo na walang katapat...
asan ang pangako..sumpa..at lahat lahat...
biglang nakalimot...utak mo naging kalat.

sa ikalawang pagkakataon..damdamin ko'y binalewala...
pinahalagahan ang sa iba kahit ako'y nagwawala...
galit at poot ko'y...hindi mo inalintala...
marahil kahit dugo pa man ang aking iluha.

dahil sa kanya hinyaang magkaganito...
marahil nga...ito ang gusto mo...
ibig mong makawala...magrebelde ng todo...
masakit isipin na humantong sa ganito.

kaligayahan mo ay hangad ko...
katahimikan ng puso nawa'y matamo....
wag sana malagyan ng putik sa ulo....
di sana totoo mga naririnig ko...

hapdi at kirot ng puso kong durug durog...
pipiliting di na magpakita sayo, dati kong irog....
di na makayang magtagal pa...dibdib ko'y sasabog...
kaya paalam na syo...minsan naging aking irog!

Wednesday, 04 April 2007
 

Friday, January 29, 2010

para kang....

para kang bubble gum
na dumidikit sa aking isipan
kahit anong pilit kalimutan
nasasambit pa rin ang 'yong pangalan!

para kang tuko na ayaw bumitaw
sa sistema ko sa pang araw-araw
mga sandaling ika'y nakaulayaw
haaay! heto't ako'y nagbabalik tanaw!

para kang marijuanang mahirap tanggalin
nalason na ang isipan, mga ugat na rin
para akong nasa alapaap...ang gaan ng feelin!
sana pati puso ko'y lumutang na rin!



Sunday, January 24, 2010

aLL i WaNNa bE...

i wanna be there for you
if you would allow me to.
i wanna take care of you
if you would give me a chance to.
i wanna be the light
when darkness surrounds you.
i wanna be the laughter
when you are blue.
i wanna be the music
amidst the noise and the tragic.
i wanna be the voice
when silence is not a good choice.
i wanna be the air
when you couldn't breathe.
i wanna be your angel
that would guide you in every way.
i wanna be the sun
that would brighten up your day.
i wanna be the tears
that would ease your pain and loneliness.
i wanna be the strength
when you feel down and so weak.
i wanna be anythin n' everythin
not expecting somethin in return
i wanna love you with all my heart
i don't care if we're miles apart...

(Monday, 02 April 2007 )


Wednesday, January 20, 2010

geym ober...

hinding hindi na
pangako! 2010 na!
titigilan na
sana kayanin na.

ilang taon ang inaksaya
luha'y naiga na
masakit isipin
mahirap tanggapin.

mga katagang di na maririnig pa
"hello" na minsa'y pabulong
"babuy babuy" - puso'y napapagulong
subalit dapat ng palayain
pusong nakakulong!

di porket walang karapatan
ay di na masasaktan
masasakit na salitang binitawan
nakaukit na sa puso habang buhay.

wala ng luhang papatak
wala ng punyal sa puso'y tatarak
pagod na pusong busilak
di na hahayaang muling mawarak....


Tuesday, January 19, 2010

i need no more...


i need no eyes as mad as a hornet
that haunt me from sunrise to sunset.
i need no temper as explosive as volcano
that erupts whenever it wants to.
i need no nagging doubts as unending as the waves
thay suck... just give me a break!
i need no heart as cold as ice
it tears me apart if i couldn't make you smile.
i need no guy as tough as nails
prolonging the agonies in the coming days.
i need no guy as common as dirt
who pretends not a player... but a true flirt!
i need no man as proud as a peacock
who later on would stab my back.
i need no commitment as clear as mud
you're flirtin and here i am waitin.
i thought your love was as sweet as a lullaby
oh well it's fine we've said our "good-byes".
coz i don't need someone like you in my life...

Sunday, 25 March 2007





Sunday, January 10, 2010

hE sAiD... ShE sAid

he said  : "hintayin mo ako... pupunta na ako jan"
she said : "naku wag dito... walang mangyayari sa 'yo"
he said  : "sha, eh di ikaw na lang pala ang hihintayin ko dito"
she said : (nagulat... speechless for a while...) aahhh...hmmm

after 3yrs...

he said  : "uy, makakauwi ka na"
she said : "hehehe... oo nga, saan mo nalaman?"
he said  : "uy, ako ang susundo sa 'yo ha?"
she said : "libre ba? (sabay tawa)

she said : "sasama ka ba sa akin?"
he said  : "saan? sa huwes? sa HK?" (natatawa while guessing?)
she said : "kaya mo bang iwanan ang barkada mo?"
he said  : "kaya! bakit hindi?"

she said : "baka iwan mo ako sa ere e!"
he said  : "pano gang iiwan eh nariyan ka pa?"
she said : "basta! hintayin mo ako..."
he said  : "ang tagal! ang tagal naman" (naiinip)
she said : "ngayon ka pa nainip???" (natatawa)

she said : "basta! pag uwi ko ikaw ang bahala sa akin ha?"
he said  : "ay sya! eh di pag iipunan ko" (seryoso)
she said : "basta! walang iwanan sa ere ha? hoy! ano ba?"
he said  : "malinaw na nga eh... wag mo ng palabuin pa"
she said : "sha cge bye na..."  (nakangiti... naguguluhan at kinikilig)
he said  : "babay babay"



Saturday, January 9, 2010

aLmOst PeRfEct


i see your eyes teasing mine....
i feel your hands caressing mine...
i taste your lips lock in mine....
i play with your searching tongue....
i feel your warmth when your body's close to mine...

i feel your breath tickling my ear
like when you're calling my name in cool December air.
i feel your soul engulfing mine.
in the stillness of the night i want you to be mine.
almost perfect, seems so true.
i know i wont be forever blue
but when i open my eyes
not even your shadow is in sight....
Tuesday, 05 June 2007




Thursday, January 7, 2010

aKaLa k0...


akala ko mejo na...
dalwang pasko na ang nagdaan
dalwang taon ng inaabangan
heto't ako'y dinededma na naman.

akala ko ok na
wow mali! di pa pala
akala ko abot-kamay na
toink! akala ko lang pala!

akala ko malinaw na...
sabi mo pa nga "wag mo ng palabuin pa"
waaaaa... ano ba talaga kuya?
may linaw na ba? o malabong kausap ka?

akala ko totoo na...
sa pag uwi ko'y makakasama ka na
mga planong napagkasunduan
akala ko this time ay nagkaseryosohan.


akala ko magbabago ka...
deym! ika'y lumala pa!
i hate it pag nandededma ka
u dont care kahit makasakit ka!


akala ko heto na...
isang dekadang pagtityaga
akala ko matitikman ko na ang nilaga
subalit sa isang iglap... lahat ay nawala!!!




Thursday, August 27, 2009

·-=:]¦[¯*^~ ๏ђ קlєєєคคzzzz!!!!! ~^*¯]¦[:=-·


di ako chatter na mapang karir
na nagbibilang ng papa bear.
di ako critical thinker either
mababaw na kausap lang kumbaga wa ako kiber!

simpleng mga kataga, simpleng ideya
simple lang ang nais ko...simpleng kwentuhan
na di bawal ang tumawa at kulitan
at ang mga pag sablay ko'y di inaabangan.

pasaway ba talaga ako?
o utak mo ang lumalason sa 'yo?
ako ba ang wala sa ayos
or malikot lang imahinasyon mo?

walang katapusang pag dududa
na talaga namang nakakairita
mga hinalang walang basehan
kelan mo ba mga yan tatantanan?

matigas ulo ko aminado ako
sumasabay sa pagsasalita mo
lalo pa't meron tayong pagtatalo
di ko intensyong bastusin pagkatao mo.

pinagbawalang mag tribya sa ibang kwarto
hanggang nagyon di ko maunawaan ang dahilan mo
nagti-tribya lang ako, pero kung anu ano iniisip mo
bakit ako ang pinarurusahan mo
sa mga kasalanan ng mga Exs mo?