Thursday, July 9, 2009

PΛƬIПƬΣЯӨ


naaala-ala kita sa ginisang monggo
pati na sa cd na "burn" ko para sa 'yo.
dalwang traks pa nga nilipat mo sa cell mo.
"need to be next 2 u" ginamit mo pang ring tone mo.

panong di ko mapapansin ang 10:30pm d2?
kung alam kong sa umaga yan ang gising mo...
pag gising ko naman sa umaga
ikaw naman ang magpapahinga!
bago ka matulog sa gabi magkausap tayo...
pag gisng mo sa umaga di pwedeg di ako mag "hi" sayo!
ilang buwan ding ganito ang routine natin....
halos kalahating taon din inaksaya natin!

may time pa ngang parang nagpapatintero tayo
pag tahimik ang isa at walang kibo...
asahan mo tutunog na ang cell mo or cell ko!
hahaha! ilang taon ng ganito... di ka pa ba nababato?
siguro nga kuntento ka na ng nagsosolo
as long as may klinik ka at may negosyo.
sa sobrang abala mo sa araw-araw
di nakakapagtaka hanggang ngayon ay singol pa ikaw!

hahaha! "that's life" ika nga nila...
pag nauntog ka ng malakas
asahan mo magigising ka talaga!
di bale... ang mahalaga naging masaya ka

kahit madalas na luhaan ka!