Saturday, August 15, 2009

קคคlค๓ ๓คђคl к๏...

kalai,

mula sa simula mahirap gumawa
lalo na ngayon nahaharap sa paglikha ng katha
tanging lakas ng loob ang instrumento makagawa
upang ang saloobin maihayag sa buong madla


kay sarap gunitain ng kahapon nagdaan
mga alaala ng atin pag-iibigan
panahon ng kabihasnan ito ang pinagmulan
hi-tek na kagamitan ang atin naging daan


ikaw ay akin tinatangi sa simula pa man
ang makausap ka lubos ko ng kagalakan
pinapawi lahat maging pagod na katawan
nakakatulog ng mahimbing larawan mo ang tangan


kay sarap isipin, akin liniliyag
araw at gabi na tayo magkapiling
at di magmamaliw pintig ng pusong wagas
o akin giliw yan ang tangin hiling


marami pagkakataon pagsubok dumating
magkabalikat pinasan at ito'y nalampasan din
lalong nagtiwala ang puso at damdamin
na walang makakabuwal bagyo man ang dumating


tunay ngang kay bilis ng panahon ngayon
tik-tak ng orasan hindi mapigilan
buhay na tinatahak ay biglang naparam
sa ihip lang ng hanging pundasyon nagkagewang-gewang


ngayon ako'y nangungulila sa pag-ibig na dakila
ilan buwan na rin ang puso ko ay malamya
ginugugol ang oras magbalik lang ang sigla
sumapit ang anniv. at b-day , ito pa rin ay bokya


ang sagot na *HINDI* ay sadyan malupet
sa pusong nagsusumamo *OO* ang gustong masungkit
ngunit kahit anong kulet ito pa rin ay sabit
dahil sa puso mo na sadyang malupet *hanep*


paalam mahal ko
ang pag-alis ko araw din ng kapanganakan ko
ito din ang araw nilibing ang puso ko
ang lahat ng ito ay *ALAALA* sayo




someone